Batas sa Mga Hayop para sa Emosyonal na Suporta at Patas na Pabahay

Ang Departamento ng Mga Karapatang Sibil (Civil Rights Department, CRD) ay ang ahensiya ng mga karapatang sibil sa California. Kasama sa mga batas na ipinapatupad ng CRD ang Batas sa Patas na Trabaho at Pabahay at ang mga ipinapatupad na regulasyon nito.1 Pinoprotektahan ng mga batas na ito ang mga nangungupahan at residente laban sa diskriminasyon batay sa kapansanan, at iniaatas ng mga ito sa mga landlord, kompanya sa pamamahala ng ari-arian, asosasyon ng mga may-ari ng bahay, at iba pang provider ng pabahay na makatuwirang paunlakan ang mga taong may mga kapansanan para magamit at matamasa nila ang oportunidad sa pabahay. Kapag hindi pinapayagan ng isang provider ng pabahay ang mga alagang hayop o nililimitahan nito ang uri, laki, o bilang ng alagang hayop na maaaring alagaan ng sinuman, pangkalahatang iniaatas ng batas ng California sa provider ng pabahay na magbigay ng makatuwirang pagpapaunlak sa isang taong may kapansanan para makapagbigay-daan sa kanyang mamuhay nang may kasamang hayop para sa emosyonal na suporta (emotional support animal, ESA) na tumutulong sa taong iyon sa pamamahala ng kanyang kapansanan. Para tulungan ang mga provider ng pabahay, nangungupahan, residente, at iba pa na maunawaan at masunod ang batas ng California, nagbibigay ang CRD ng mga kasagutan sa mga madalas itanong tungkol sa mga ESA.

Last Review and Update: Jan 19, 2024
Back to top