ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN SA ILALIM NG ICE

Authored By: Immigrant Defense Project

Ano ang aking mga karapatan kung ako ay inaaresto ng ICE? • Mayroon kang karapatan na manatiling tahimik. Mayroon kang karapatan na makipag-usap sa isang abogado. • HUWAG MAGSINUNGALING. Maaari itong makaapekto sa iyo sa hinaharap. • Hindi mo kailangan mag-bigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa bansa kung saan ikaw ay ipinanganak, ang iyong katayuan sa imigrasyon, o ang iyong kriminal na rekord. Hilingin maka-usap ang isang abogado sa halip na sumagot nang mga katanungan. • Hindi mo kailangan ibigay ang iyong mga konsular na dokumento o pasaporte maliban nalang kung sila ay may “warrant” mula sa hukom. • Hindi mo kailangan lumagda sa kahit anong bagay o dokumento.

Last Review and Update: Nov 20, 2024
Volver arriba